Ipinanukala ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagbibigay ng libreng college education at allowance para sa anak ng mga pulis, militar at guro sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng House Bill 2317, libre sa pagbabayad ng matrikula, miscellaneous at iba pang school fees ang anak ng mga nabanggit, samantala sa ilalim naman ng House Bill 2318, ang mga estudyante ay bibigyan din ng P15,000 allowance kada semester.

“Imagine how the lives of the families of these selfless public servants will greatly improve if we give them these much deserved yet much delayed benefits. The promised increase in their salaries need not be spent on never ending tuition hikes in private schools,” ayon kay Barbers, lalo na’t pati state universities and colleges (SUCs) ay naniningil din ng malaking tuition fee.

“With this, they can spend their income to provide better food, clothing, shelter and other necessities for their families,” dagdag pa ng kongresista.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang dalawang panukala ay isinampa ni Barbers sa Mababang Kapulungan, bilang tugon umano sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na iangat ang antas ng pamumuhay ng mga pulis, sundalo at mga guro. Sa pamamagitan nito ay maiiwas din umano ang mga ito sa korapsyon. - Charissa M. Luci