Ilang immigration officers sa international airports ang sinibak at isinalang sa masusing imbestigasyon dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa human trafficking.

Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga sangkot na immigration officers ay pinagpapaliwanag na sa loob ng 72 oras kung bakit hindi sila sasampahan ng kasong administratibo dahil sa pagpapalabas sa limang kababaihan patungong South Korea.

Ang mga sinibak ay naninilbihan sa international airports sa Manila at iba pang lalawigan.

“We will not hesitate to punish any of our employees who connived with human traffickers in preying on our women. That is unforgivable,” ayon kay Morente.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“The employees were relieved from their airport counter duties and their stamps confiscated,” dagdag pa nito.

Ang imbestigasyon ay ipinag-utos ng BI chief matapos mapabalik sa bansa ang limang Pinay na na-deport sa South Korea. Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hulyo 23 ang mga ito.

Sa ulat, nagkunwaring tourists ang mga babae at ang kanilang Korean entertainers’ visa ay itinatak sa kanilang passport sa Hong Kong na nang mag-stop over.

Nagsilbing nightclub singers ang mga Pinay at inaresto dahil overstaying na doon. Inaresto din ang kanilang promoter. Samantala hindi sila pinangalanan dahil sa Anti-Human Trafficking Law na umiiral. - Jun Ramirez