Nais ni Senate Minority Leader Ralph Recto na magkaroon ng “One Town, One Doctor’ scholarship program na magpopondo sa isang medical student mula sa bawat bayan, sa kondisyon na maninilbihan siya ng apat na taon pagkatapos ng pag-aaral.

Ayon kay Recto, “galing sa bayan, tungo sa bayan” ang magiging gabay para mapagtapos ng isang munisipalidad ang isang doktor mula sa sarili nilang bayan.

Ipinaliwanag niya na habang nagbibigay ng apat na taong community service ang unang nagtapos na doktor ng bayan, mag-uumpisa naman ang isang student-doctor sa pag-aaral at magiging kapalit nito.

“If we’re facing a lack of rural doctors, this is one way to guarantee supply. This is an education and a health program rolled into one. We tap local human talent in training a professional who will perform health service among his people,” ani Recto.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang mapililing iskolar ay kailangang nasa top 30% ng graduating class sa anumang kurso na patungo sa doctor of medicine at pasado sa eksamin ng medical schools. Kapag walang pumasa mula sa isang bayan, pwedeng kumuha ng iskolar mula sa ibang bayan sa lalawigan at magsisilbi rin ng apat na taon sa bayang nagpaaral sa kanya. - Leonel M. Abasola