“The Philippines condemns in the strongest terms the suicide attacks in Kabul, Afghanistan.” Ito ang ipinalabas na kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes ng gabi, bilang reaksyon sa terorismo sa nasabing lugar.
Nasa 80 katao ang nasawi habang mahigit sa 260 ang nasugatan sa nasabing suicide attack.
Habang sinusulat ang balitang ito, sinabi naman ng embahada ng Pilipinas sa Islamad, Pakistan, na may hurisdiksiyon sa Afghanistan, na wala namang Pilipinong nadamay sa insidente.
Patuloy na mino-monitor ng embahada ng Pilipinas ang sitwasyon sa Afghanistan at handang magbigay ng ayuda sa mga Pilipino sakaling may nadamay sa nangyaring pag-atake.
Nagpaabot din ang Pilipinas ng pakikiramay at simpatya sa pamahalaan ng Afghanistan dahil sa pangyayari.
(Bella Gamotea)