Tuloy na ang pagsabak ng dalawang Philippine teams sa The International, ang pinakamalakaing DOTA tournament sa mundo, sa Seattle, Washington.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, natanggap na ng Execration at TNC Pro Team ang kailangang visa para makasali sa tournament na may grand prize na $18 million, na gagawin mula Agosto 3 hanggang 13.

“Our prayers for TNC and Execration have been answered. Matutuloy sila sa The International DOTA2 Championships at tuloy rin ang ating pagsuporta,” wika ni Sen. Bam, isang masugid na tagasuporta ng local eSports at video game development industry sa bansa.

Mula sa tinatayang 20,000 teams na naglaban para makapasok sa tournament, sinabi ni Sen. Bam na labingwalo lang ang nag-qualify at dalawa rito ay mula sa Pilipinas.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“I would like to wish our Philippine teams good luck as they represent our country in the world stage! We are very proud of you,” dagdag pa ng Senador.

Nagpasalamat naman ang Execration at TNC kay Sen. Bam sa patuloy niyang suporta sa eSports community.

(Leonel Abasola)