BUTUAN CITY – Mahigit P500,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya makaraang salakayin ang isang hinihinalang drug den sa Purok 8, Barangay Port Poyohon sa Butuan City, nitong Biyernes ng hapon.

Pinangunahan ng mismong mga opisyal ng PDEA-Region 13, inaresto nila ang isang drug dealer at anim na iba pa sa raid na ikinasa dakong 4:45 ng hapon.

Bibit ang isang search warrant, nakakumpiska rin ang mga operatiba ng PDEA mula sa mga suspek ng ilang drug paraphernalia at hindi pa tukoy na halaga ng cash. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!