Melai at Jason copy

NAKIKISIMPATIYA kay Melai Canteveros ang mga nakabasa sa nai-post sa http://www.news.abs-cbn.com/”>www.news.abs-cbn.com na umaasa pa rin siya na maayos ang relasyon nila ni Jason Francisco. Ang sabi, “Melai is hoping to iron their marital problem.”

Sabi pa ng source, nag-breakdown si Melai sa taping ng Magandang Buhay nang pag-usapan ang topic na “forever.”

Nakiusap na rin si Melai sa fans nila ni Jason na itigil ang pamba-bash sa estranged husband at idinaan niya ito sa Instagram.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“To Melason Fans: Ang asawa ko ang pinakabest na asawa sa lahat. Walang bisyo, di umiinom, di nagyoyosi, kami lang ang bisyo ng asawa ko. Good provider yan at kami lang inuuna n’yan kahit kanino man. Kaya ganun-ganun na lang nya kami kamahal. Ramdam na ramdam nmin ni Mela yun. Overprotective sya sa amin sa lahat ng bagay. Sa mga mag-asawa pagdadaanan talaga ang mga pagsubok, at ang pagsubok ay unlimited.

Kaya sa mga nagba-bash sa asawa ko kung may respeto kayo sa relasyon naming sa akin, sana ay tigilan nyo na at kami lang din makakaayos nito. Kung wala man kayong magandang sabihin wag na lang kayong pumindot at manakit. Hindi nyo kilala asawa ko at di nyo alam kung saan siya nanggagaling, I’m sure lahat tayo may ganun.

Kaya sana tigilan nyo na ang pag-judge sa akong bana kasi kung masasaktan ako, double at triple pa ang sakit na nararamdaman ko mas sobra pa kay Mela kung mababasa nila ang comment nyu. May mga mali at tama pero time will heal all wounds. Walang kampihan at di kailangan ng kampihan kung sino dito kasi di naman kami magkaaway. MAG-ASAWA po kami:).”

Si Jason ang nag-announce na naghiwalay na sila ni Melai sa pamamagitan ng mahabang sulat sa yellow pad na pinost nito sa Instagram. Pero paano kung ayaw na talagang makipagbalikan ni Jason?

Selos at insecurity sa magandang takbo ng career ni Melai ang nakikitang rason kung bakit ginustong makipaghiwalay ni Jason kay Melai. (NITZ MIRALLES)