MAPIGILAN kaya ni Conan (Mark Herras) si Ava (Megan Young) sa pagpapakasal kay Rodjun Cruz? Ito ang dapat abangan ngayong Linggo sa Conan My Beautician.

Napasubo at pinanindigan ni Conan ang pagpapanggap bilang beautician sa Salon Paz, pero hindi naman niya maitago ang nararamdaman kay Ava, ang tipo ng babaeng pinapangarap niya. Mukhang may ibang plano si Kupido dahil lumiliit ang mundo para kay Conan at Ava.

Walang takas si Ava sa arranged marriage niya kay Prince (Rodjun). At sa araw ng kasal, hindi inaasahan na si Conan ang magiging make-up artist niya. Mapanindigan kaya ni Conan ang pagpapanggap bilang beki o mangibabaw ang kanyang machong damdamin?

Samantala, lumiliit na rin ang mundo para kay Conan at Chika (Kakai Bautista). Imbitado sa kasal si Chika dahil pinsan pala siya ni Prince. Mabisto kaya ni Chika na ang beki na katabi niya ay ang Conan na kinahuhumalingan at hinahanap niya?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Huwag palampasin ang exciting na episode ngayong Linggo ng Conan My Beautician, pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA 7.