“It is the disability in your heart that will hold you back.”
Isa ito sa mga makahulugang ibinahagi ng motivational speaker na si Nick Vujicic sa kanyang Limitless Possibilities sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes.
Nagbigay inspirasyon si Vujicic sa higit kumulang sampung libong manonood at binigyang diin ang kahalagahan ng “3F” sa buhay – Friends, Family, at Faith.
Ibinahagi niya kung paano niya hinarap at nilagpasan ang mga problema sa kabila ng kawalan ng kamay at paa. “I believe fear and loneliness are the two biggest disabilities than having no arms and legs”aniya.
Dagdag pa niya, “You can have both arms and legs but still don’t know what you are living for. You should know your purpose.”
Hindi naging hadlang kay Vujicic ang hindi pagkakaroon ng kamay at paa para tumulong sa mga taong naghahanap ng pag-asa sa buhay.
Hinimok niya ang mga nakikinig na huwag matakot magkamali at mabigo sa buhay. “You don’t know what you gonna achieve until you try again. Life without a failure is like a classroom without a teacher,” ani Vujicic.
Sa kanyang pagtatapos, nangako siya na babalik ulit sa Pilipinas at hinimok ang bawat Pilipino na magtulungan para sa maayos na kinabukasan ng bansa. (AIRAMAE GUERRERO)