DAPAT tulungan ng pediatricians ang edukasyon ng mga pasyente nila tungkol sa sex at tulungan ang mga magulang kung ano ang pinakamabisang paraan para kausapin ang kanilang anak tungkol sa sexuality, payo ng isang bagong report mula sa American Academy of Pediatrics.

Sa pagganap bilang karagdagang source ng mapagkakatiwalaang impormasyon hinggil sa sex at sexuality, maaaring paghaluin ng mga pediatrician ang edukasyon na natatanggap ng mga bata sa paaralan o sa tahanan, sabi ng author ng report.

Ang bagong rekomendasyon ay ayon sa isinagawang research na nagpapatunay na natutulungan ang bata na may age-appropriate information tungkol sa kanilang sexuality para maiwasan at mabawasan ang panganib ng teen pregnancy at sexually transmitted diseases, sabi ng mga researcher.

“Research has conclusively demonstrated that programs promoting abstinence-only [behavior] until heterosexual marriage occurs are ineffective,” sabi sa isang pahayag ng lead author ng report na si Dr. Cora Collette Breuner, propesor ng pediatrics sa University of Washington School of Medicine at chairperson ng AAP Committee on Adolescence.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“Sex education is about more than when to have sex.”

Dapat ding maging bahagi ng pakikipag-usap ng pediatrician sa mga bata ang mga impormasyon tungkol sa ibang isyu, dagdag pa niya. Kabilang sa mga isyu ang healthy sexual development, interpersonal, at consensual relationships, affection, intimacy, at body image.

Sa ngayon, maraming pediatrician ang hindi tumatalakay ng impormasyon sa sexuality sa kanilang mga batang pasyente, nakasaad sa report. Halimbawa, napag-alaman sa isang review na binanggit sa bagong pag-aaral na isa sa tatlong teenage patient ang hindi nakatanggap ng anumang impormasyon mula sa kanilang pediatrician, “and if they did, the conversation lasted less than 40 seconds,” sabi ng mga researcher.

“Children and teens should be encouraged to ask questions or share concerns about their bodies or sexuality,” sabi ni Breuner. “The pediatrician can provide personalized, accurate information in a safe setting.”

Ang talakayan ng pediatricians, mga bata, at mga magulang ay maaaring magsimula sa early childhood, sabi ng report.

At ang pag-uusap ay maaaring magpatuloy sa mga susunod pang pagbisita sa buong school age, adolescence, at young adulthood, sabi ng bagong report.

Dapat ding himukin ng mga pediatrician ang pakikipag-usap ng mga magulang sa kanilang anak tungkol sa katanungan na may kaugnayan sa sexuality, contraception, internet, at social-media use na “consistent with the child’s and family’s attitudes, values, beliefs and circumstances,” sabi ng researchers.

Sinusuportahan ng mga scientific evidence ang mga bagong rekomendasyon, na nagpapakita na ang kabataan na nakatatanggap ng impormasyon tungkol sa kanilang sexuality, ay mas maliit ang posibilidad na magsimula sa sex sa kanilang edad, “and if they do [have sex at an early age], they are more likely to use contraception,” sabi ni Dr. Jill Rabin, isang OB/gyn at co-chief ng Ambulatory Care and Women’s Health sa Northwell Health sa New Hyde Park, New York, na hindi kasali sa bagong report.

“Indeed, research has shown that talking just about abstinence doesn’t work,” sabi niya sa Live Science.

“Sexuality education is an important issue, considering that the U.S. has the highest rates of teen pregnancies in the industrialized countries,” sabi ni Rabin. (Livescience.com)