Nagbabalak si Norway Minister of Foreign Affairs Borge Brende na bumiyahe sa Pilipinas para bisitahin ang pinalawak at pinagandang Norwegian maritime training center sa Manila at maisulong pa ang trade and investment relations ng dalawang bansa.

Ibinunyag ni Minister Brende ang plano kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr. sa kanilang pagpupulong sa sidelines ng 49th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting (AMM) sa Vientiane, Laos kamakailan.

Mahigit 25,000 tripulanteng Pinoy ang nagtatrabaho sa mga Norwegian shipyard o sakay ng mga barkong pag-aari o kontrolado ng mga Norwegian. Nakikinabang naman ang Pinoy maritime students sa edukasyon at pagsasanay na ipinagkakaloob ng Norwegian maritime training schools, kabilang na ang Norwegian Training Center sa Manila, na itinatag ng Norwegian Shipowners Association (NSA) noong 1990.

Isasama ni Brende sa kanyang pagbisita ang delegasyon ng negosyanteng Norwegian. (Roy C. Mabasa)

Claudine inokray-okray sa paghahanap ng 'multi-tasker' na PA, rumesbak