Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. -- EAC vs San Sebastian

2 n.h. -- LPU vs University of Perpetual

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

4 n.h. -- St.Benilde vs Arellano

Naisalba ni reserve guard Prince Etrata ang San Beda nang maisalpak ang krusyal na three-pointer, may 2.8 segundo sa laro, para sa makapigil-hiningang 86-84 panalo kontra Mapua kahapon sa NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Umabante ang Red Robbins sa 84-83 nang maisalpak ni Jasper Salenga ang dalawang free throw may 6.1 segundo sa laro.

Mula sa inbound, nakuha ni Etrata ang bola at kaagad na binitiwan ang three-point shot na bumuslo na walang aling para iligtas ang Red Cubs at panatilihing malinis ang karta ng defending champion sa pitong laro.

"Foul trouble kasi siya kaya fourth quarter ko na siya nagamit. I commended him (Etrata) for keeping that positive attitude.Positive attitude gets positive result," pahayag ni coach JB Sison ng Red Cubs.

Nagtapos na topscorer para sa reigning 7- time champion Red Cubs si Mark Lagumen na may 21 puntos, habang nanguna naman sa Red Robins na bumagsak sa barahang 5-2 karta si Romel Junsay na may game high 27 puntos. Kumana si Etrata ng kabuuang limang puntos. (Marivic Awitan)