Sanya Glaiza Kylie at Gabbi copy

WALA nang makapipigil sa mahikang taglay ng GMA telefantasya na Encantadia. Ngayong weekend, sa General Santos City naman manghahalina ang mga Sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro kasama ang kanilang co-stars na sina Rocco Nacino at Ruru Madrid para sa isang Kapuso mall show.

Napapanood na ngayong linggo sa GMA Telebabad ang pagdadalaga ng mga Sang’gre kaya nasisilayan na ng televiewers ang kagandahan nina Kylie, Gabbi, Sanya at Glaiza. Nag-umpisa na rin ng pagpapakitang gilas ng mga Sang’gre sa pakikipaglaban at masusubukan na ang kanilang galing at tapang para mapatunayan kung sino sa kanila ang sunod na magiging reyna ng Lireo.

Masuwerte ang kanilang fans na magtutungo sa Convention and Events Center ng KCC Mall bukas (Sabado) dahil mapapanood sila nang personal sa mall show na magsisimula sa ganap na 5 PM.

Trending

'Ungrateful mother?' Nanay na inokray daw regalong hikaw ng anak, inulan ng reaksiyon

 Matatandaan na nitong unang bahagi ng Hulyo, 7,000 Cebuanos ang nakisaya sa kanila sa South Town Centre sa Talisay City sa Cebu. May 6,000 namang Davaoeños at Tagumeños na dumagsa sa Gaisano Mall sa Tagum City noong June 26.

Abangan ang pagdalaw ng Sang’gre sa iba’t iba pang probinsiya sa buong bansa.