VIN, JAY, CHERIE AT SAM copy

TIYAK na marami ang mag-aabang sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado dahil ang parehong mahusay na sina Jay Manalo at Cherry Pie Picache ang gaganap sa kuwento ng mag-asawa na bumuo ng isang banda kasama ang mga anak na nasuong sa napakabigat na problema.

Si Jake (Jay) ay isang bigong singer-songwriter na kasal sa kanyang napaka-supportive na asawang si Vivien (Cherry Pie). Noong maliliit pa ang kanilang mga anak na sina Marko (Sam Concepcion) at Niko (Vin Abrenica), isinama nila ito sa isang talent competition at noon nakita ni Jake na may kinabukasan ang dalawa sa industriya ng musika.

Para maituro ang kanyang kaalaman sa dalawa, nagdesisyon si Jake na bumuo ng isang banda na binubuo nilang magpapamilya. May mga dancer din ang kanilang banda at isa sa mga ito si Lyca (Karen Reyes) na dating nakarelasyon ni Marko.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Nagkaroon ng relasyon si Jake kay Lyca. Natunugan naman kaagad ito ni Vivien kaya iniwan niya ang asawa at mga anak.

Pero naging malayo rin ang loob nina Marko at Vino sa kanilang ama.

Ipagpapalit ba ni Jake ang pamilya kay Lyca? Mapapatawad kaya ni Vivien ang asawa, at nina Marko at Viko ang kanilang ama kung humingi ito ng kapatawaran?

Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina Jane de Leon, Jon Lucas, at Claire Ruiz mula sa panulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Jerome Chavez Pobocan.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas magaganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag itong palampasin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.