Sa kabila ng ipinatutupad na Executive Order (EO) hinggil sa freedom of information, hindi pa rin bubuksan nang buo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lahat ng record nito sa publiko.

Sa isang text message, sinabi ni POEA Administrator Hans Cacdac na bahala ang Department of Justice (DoJ) at Office of the Solicitor General na magdetermina kung ano sa mga record nito ang pwedeng buksan.

Ang POEA ay nagsasampa ng illegal recruitment at human trafficking cases, katuwang ang DoJ at OSG.

“We are still waiting for the list of exemptions from DOJ and the OSG. Once that list is released, we have 30 days to work on our manual,” ani Cacdac, kung saan ang manual ay babalangkasin ng kanilang International Organization for Standardization (ISO) Committee.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ilalim ng EO ni Pangulong Rodrigo Duterte, inuutusan ang mga ahensya ng pamahalaan na buksan sa publiko ang lahat ng kanilang official records, maliban lang sa mga impormasyong sangkot ang national security. (Samuel Medenilla)