SI Donald Trump na ang opisyal na kandidato ng Republican Party sa November US elections. Ang makakalaban niya ay si Hillary Clinton, dating First Lady at dati ring US State Secretary. Alam ba ninyong ang political slogan ng bilyonaryong si Trump ay “USA will be great again?” Ang ganitong slogan ay matagal nang ginamit noon ni ex-Pres. Ferdinand E. Marcos nang kumandiato siya sa pagkapangulo kalaban si ex-Pres. Diosdado Macapagal, ama ni Gloria Arroyo. Sabi ni FM noon:”This nation can be great again.”

Si Marcos ay naging diktador at hindi natupad ang pagiging “great again” ng Pilipinas na noon ay maliit lang ang populasyon at ang palitan ng piso at dolyar ay hindi pa kasinglaki ngayon.

Noong Biyernes, nag-banner story sa isang English broadsheet ang pagkakapatay ng mga pulis sa isang umano’y Chinese drug lord. Ito, ayon sa PNP, ang unang big-time drug trader na kanilang napatay matapos maupo bilang Pangulo si Rodrigo Roa Duterte. Ang Chinese national ay kinilalang si Meco Tan, batay sa report ng Philippine Dangerous Enforcement Agency (PDEA). Si Tan umano ay may 13 taon nang nagpapatakbo ng drug laboratories sa bansa. Siya ay napatay sa Willex Compound, Pinaglabanan, Bgy. Lingunan, Valenzuela City.

Sa pagkamatay ni Tan, nagbabala si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa iba pang big-time Chinese drug traffickers.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Mag-isip-isip na sila. Marami pang susunod niyan na mga Intsik,” pahayag ni Gen. Bato na sumugod at personal na nag-inspeksiyon sa compound. Inamin ni Bato na sapul nang simulan ang drug war ni Duterte, karamihan sa mga napapatay ay small-time drug dealers sapagkat ang mga drug lord daw ay mahirap maka engkuwentro.

Hinamon naman ni Mano Digong ang kanyang mga kritiko na magtungo sa kanyang war room para malaman nila na hindi puro mahihirap na drug pushers lang ang target ng kanilang kampanya. “Where will I got the big-time lords. Hey, I have to invade a country to arrest drug lords. I will not name the country, but obviously, you know it.”

Una rito, sinabi ni DoJ Sec. Vitaliano Aguirre na 75% ng illegal drugs ay galing sa China. Maliwanag na ang tinutukoy ni Pangulong Rody ay ang dambuhalang China, pero paano mo malalabanan ang nasyong may 1.3 bilyong populasyon at may napakalakas na puwersang-militar. Umasa na lang tayo na balang araw ay matauhan ang China at tulungan tayo sa pagsugpo sa illegal drugs at payagan na ring makapangisda ang ating mga fisherman sa Panatag Shoal. (Bert de Guzman)