Kasabay ng pagtiyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tatalima ito sa unilateral ceasefire na idineklara ni Pangulong Duterte sa New People’s Army (NPA), hinamon ng militar ang armadong grupo na patunayan ang sinseridad sa gobyerno.

Ito ang sinabi kahapon ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, Jr., kasunod ng pinaigting na operasyon ng pulisya at militar para mailigtas ang tatlong pulis at isang sibilyan na dinukot ng NPA sa Surigao del Norte nitong Linggo.

Dinukot ng NPA sa Barangay Cagtinae, Malimono sina SPO3 Santiago B. Lamanilao, ng Surigao City Police; PO3 Jayroll H. Bagayas; PO2 Caleb C. Sinaca, ng Malimono Municipal Police; at ang non-uniformed personnel na si Rodrigo T. Angob isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte nitong Lunes.

NEGOSASYON

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaugnay nito, binuo ng pamahalaang panglalawigan ang Crisis Management Committee (CMC) at Special Investigation Task Group (SITG) upang matiyak ang ligtas na pagpapalaya sa apat.

Pinamumunuan ni Malimono Mayor Teodoro Sinaca, ang CMC ang makikipagnegosasyon sa NPA para palayain na ang mga bihag.

Magkakatuwang ngayon ang mga operatiba ng Surigao del Norte Police Provincial Office, 13th Regional Public Safety Battallion, at 30th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pagsasagawa ng operasyon sa kabundukan ng Malimono.

SUMUKO NA KAYO!

Hinimok din kahapon ng regional command ng Police Regional Office (PRO)-13 mga miyembro ng NPA “to lay down their arms, abandon the armed struggle and return to the comfort of their families and cooperate with the PNP in bringing peace and unity in the region”.

Nanawagan din ang PRO-13 sa tulong publiko upang tumulong sa pagpapalaya sa mga pulis sa pagpapaalam sa kanila sa kinaroroonan ng mga suspek at bihag sa pamamagitan ng Twitter at Facebook ng Philippine National Police, o sa Dial 117, o mag-text sa 2920, gayundin sa Regional Tactical Operation Center hotline na 0906-3200220 at 0998-9701176.

Bagamat hindi pa makapagpatupad ng ceasefire ang military unit na umaayuda sa pulisya sa pagliligtas sa apat na bihag, inatasan na ng 10th Infantry (Agila) Division ang lahat ng field unit nito na itigil na ang opensiba laban sa NPA—ngunit dapat na manatiling alerto at handang lumaban para ipagtanggol ang sarili at ang seguridad ng mamamayan.

Tiniyak naman ni Communist of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison na positibo niyang tutugunan ang tigil-putukang idineklara ng Presidente. (FER TABOY at MIKE CRISMUNDO)