Matinding sakit sa tiyan at abnormal na regla ang sinasabing nag-udyok sa isang ginang upang wakasan nito ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob mismo ng palikuran ng kanilang bahay sa Pasay City nitong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rowena Baello, 48, ng No.748 S. De Guzman St., Bgy. 165, Zone 18, Malibay ng nasabing lungsod.

Dakong 3:15 ng hapon kamakalawa nang matagpuan umano ni Luis Gonzales, 59, kinakasama ng biktima, ang bangkay ni Baello sa loob ng palikuran ng kanilang bahay.

“Matagal nang dumaranas ng matinding sakit sa tiyan at ng abnormal na regla ang aking misis na posibleng dahilan ng kanyang pagpapakamatay,” pahayag ni Gonzales sa Pasay City Police.

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

Sinabi ni Gonzales sa awtoridad na hindi ito ang unang beses na nagtangkang magpakamatay ang kinakasama.

Iginiit ni Gonzales na wala silang pinag-awayan ni Baello bago mangyari ang insidente. (Bella Gamotea)