Nasolo ng Full Blast Digicomms ang liderato matapos biguin ang Photographers, 106-60, habang itinala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ikatlong sunod na panalo upang pahigpitin ang labanan sa ginaganap na 2016 Friendship Cup - Para Kay Mike Basketball for a Cause Tournament, sa Rizal Memorial Coliseum.
Nagwagi ang Bangko Sentral kontra dating lider na Sportswriters, 83-80, habang nanalo rin ang PAGCOR laban sa Sports TV5, 72-57, sa unang dalawang laro ng torneo na hangad makapagkalap ng pondo para sa patuloy na pagpapagamot ni Bandera correspondent Mike ‘Young Warrior’ Lee.
Bitbit ng Digicomms ang solong liderato sa 4-2 karta, habang magkasalo sa ikalawang puwesto sa 3-2 marka ang Sportswriters, Bangko Sentral, PAGCOR at ang walang laro na Poker King Club. Ikaanim ang PSC (2-3), ikapito ang TV5 (1-3) at nasa huli ang Photographers (0-2).
Walong koponan ang kasali sa torneo na sinusuportahan na din ng F2 Logistics Cargo Movers at SportsCORE kasama ang bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William “Butch” Ramirez.
Iskor:
PAGCOR (72) – Galvez 22, Delos Reyes 13, Lumibao 10, Enriquez 10, Fernandez 6, Liwanag 4, Dinsay 4, Veluz 3
TV5 (57) – Sulit 28, Aliindogan 14, Villar 5, Yupangco 4, Tan 3, Almo 0.
Quarterscores: 19-11, 39-23, 54-39, 72-47
(Ikalawang laro)
Bangko Sentral (83) – Bolocon 22, Tabunan 16, Carpio 13. Baraga 9, Mendez 6, Angeles 4, Nigoza 3, Evangelista 3, Concepcion 2, Ilagan 2, Eroles 1, Gumatay 0, Quimilat 0, Gabud 0, Rabena 0.
Sportswriters (80) – Cayanan 29, Cardenas 22, Tupas 11, Retuya 9, Lagunzad 7, Ballesteros 2, Sacamos 0.
Quarterscores: 14-26, 34-35, 62-58, 83-80
(Ikatlong laro)
Digicomms (106) – Ramos 43, Bantug 12, Rosas 12, Diaz 10, Calde 8, Marcos 8, I. Andaya 5, Rogado 4, De Leon 2, B. Andaya 2, Gavino 0, Rosales 0.
Photographers (60) – Tan 18, Ballesteros 10, Campos 8, Calvelo 8, Palma 5, Rubio 3, Dela Cruz 2, Lozada 2, Cristino 2, Reyes 0.
Quarterscores:
22-19, 54-28, 80-50, 106-60 (Angie Oredo)