LIPA CITY, Batangas – Isang barangay chairman ang malapitang binaril ng dalawang hindi nakilalang suspek habang nakaupo sa loob ng kanyang jitney at hinihintay ang asawang bumili ng tinapay sa gilid ng national highway sa Purok 2, Barangay Antipolo del Norte, nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa report, dakong 2:30 ng hapon nang ipinarada ni Leonardo L. Pureza, 65, chairman ng Bgy. Pag-Olingin West, ang kanyang jitney (VER-614) sa nasabing lugar habang hinihintay ang asawang si Charito na bumili ng tinapay sa kalapit na bakery.

Lumapit kay Pureza ang dalawang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una, na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas ang mga suspek sakay sa pulang motorsiklo na walang plaka at sumibad patungong Padre Garcia.

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen. (Danny J. Estacio)