Nanawagan si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto R. Yasay Jr. sa mga kapwa foreign minister nito na lumalahok sa 49th ASEAN Ministerial Meeting sa Vientiane, Laos PDR na suportahan ang “rules-based international order” sa pagresolba sa mga gusot nang walang kinikilingan.

Idiniin ni Yasay sa 10-bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nation na ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa kasong isinulong ng Pilipinas laban sa China ay nagbibigay ng solidong batayang legal sa rules-based approach para sa pagresolba ng mga iringan sa South China Sea.

Umapela siya na suportahan ng ASEAN ang legal at diplomasyang proseso na isinusulong ng Pilipinas tungo sa mapayapang resolusyon ng iringan nang walang pagkiling sa mga panig o partido.

Iginiit ni Yasay na ang desisyon ng PCA ay nakabuo ng batas para resolbahin ang maritime disputes.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang

“The ruling can move the dispute-settlement process forward,” aniya.