ATIMONAN, Quezon – Isang 22-anyos na babae ang nasawi habang naipit naman ang isang truck helper at nasugatan ang pitong pasahero ng bus makaraang masagi ang huli ng isang truck na nawalan ng preno habang nagbibiyahe sa New Diversion Road sa Barangay Santa Catalina sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Agad na nasawi si Mary Shaine Bandola Oas, dalaga, ng Minalabac, Camarines Sur, pasahero ng Isarog Bus Line (TYG-442); habang nawawala pa si Arvin Borigas, na tumalon mula sa trailer truck at pinaniniwalaang naipit sa ilalim nito.

Sugatan sina Victor C. Sayno, 58, may asawa, driver, ng Cabusao; Glecyden B. Nolasco, 30, ng Naga City; Ramon O. Albius, 22, ng Haring; Porfereio C. Abunite Jr., 26, ng Bula; Ramon R. Albuis, 61, ng Haring, pawang sa CamSur; Shiela T. Plata, 38, ng Pasig City, pawang pasahero ng bus; at Albert C. Almonte, 19, isa pang truck helper, ng Malinao, Albay. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae