Mahigit 400 na aminadong drug dependent at naging pusher mula sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod ng San Juan ang isinama at pinalahok sa pagsasayaw ng Zumba nitong Linggo sa Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t-Saya sa Parke ng Pinaglabanan Shrine.

Mismong si San Juan City Mayor Guia Gomez ang nagpasali sa mga sumukong drug dependent na makilaro at makisaya sa lingguhang programa ng PSC para sa grassroots sports development at family bonding pati na rin sa community health nang taga San Juan.

“We need them to introduce to the beauty of sports, para ma-realized nila na mas maganda pa ang makukuha nila sa pagpapapawis laluna sa pagsasayaw at pagsali sa Zumba at hindi pa masisira ang kanilang buhay,” sambit ni Gomez.

Layon ng PSC Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN ang libreng pagtuturo ng iba’t-ibang sports sa pamayanan sa buong bansa upang makadiskubre ng mga batang atleta at mabigyang halaga ng bawat pamilya ang paglahok ng kanilang mga anak sa aktibidad sa sports.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umabot naman sa kabuuang 409 katao maliban pa sa drug dependents ang sumali sa Laro’t-Saya sa San Juan kung saan sa arnis (12), badminton (36), football (7), taekwondo (4), volleyball (32), Zumba (309) at senior citizen (9).

Mayroon naman 488 na sumali sa Laro’t-Saya sa Quezon City Memorial Circle partikular sa badminton (18), chess (43), football (7), volleyball (14) at Zumba (406).

Nagpartisipa sa Laro’t-Saya sa Luneta ang kabuuang 735 katao kabilang sa arnis (18), badminton (60), chess (45), football (30), karatedo (13), lawn tennis (40), volleyball (28), Zumba (498) at senior citizen (3). (Angie Oredo)