Hulyo 25, 1978 nang isilang ang unang test tube baby na si Louise Brown sa caesarian section ng Oldham and District General Hospital sa Manchester, England. Siya ay nabuo sa pamamagitan ng in-vitro fertilization (IVF) techniques, at may bigat na limang pounds at 12 ounce.

Ayon kay Patrick Steptoe, isang consultant, na sa lahat ng isinagawang eksaminasyon lumalabas na normal naman ang kondisyon ng sanggol, at ang inang si Lesley Brown ay nasa maayos na kalagayan. Ipinasara ng ina ang kanyang fallopian tubes, upang maiwasan ang pagbubuntis.

Ang embryo na binubuo ng itlog ni Lesley at semilya ng kanyang mister ay inilagay sa matres ni Lesley matapos pahinugin, noong Nobyembre 1977. Makalipas ang maraming taon, dinala ng mag-asawang Brown ang ikalawa nilang anak na si Natalie gamit ang IVF.

Gumawa ng technique si Professor Sir Robert Edwards, dahilan upang matanggap niya ang Nobel Prize noong 2010.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Gayunman, ang mga religious leaders ay naging concern sa artificial intervention.