BATANGAS CITY – ‘Tila dismayado sa sistema ng korte ang suspek sa pagpapadala ng text message na nagsasaad na pasasabugin ang bulwagan sa Batangas City.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dalawang beses na nakatanggap ng mensahe ang isa sa mga empleyado ng MTCC Branch 2 mula sa hindi nakilalang suspek noong umaga ng Hulyo 21.

Nakalagay sa mensahe na may bomba umano sa bodega ng korte, idinagdag na hindi nito nagustuhan ang naging pagtrato sa kanya.

Bukod sa pagbatikos sa isang huwes, nakasaad din sa mensahe ng suspek ang, “’Yung may pera nakakalabas, at ‘yung wala nakukulong”.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nagbanta pa ang suspek na sasabog ang bomba ganap na 10:00 ng umaga.

Sa clearing operations ng mga awtoridad sa bodega, na nasa likuran ng bulwagan, umupo sa isang fruit game machine ang K-9 na dala ng Philippine Coast Guard (PCG), at agad naman itong nai-dispose ng awtoridad. (Lyka Manalo)