LIZA SA 'DOLCE AMORE' copy

TULUYAN na nga bang lumambot muli ang puso ni Tenten (Enrique Gil) kay Serena (Liza Soberano)? O makikipagmatigasan pa rin siya sa kagustuhang makapaghiganti?

Kumapit sa lalong umiinit na mga tagpo sa Dolce Amore, ang most loved kiligserye on primetime.

Mismong pamilya na ni Tenten ang mamamagitan sa napapansin nilang hindi tamang inaasal ng kanilang anak kay Serana.Kaabang-abang sa set-up na gagawin nila para mag-sorry ang binata sa dalaga kung mawawakasan na ang pagpapahirap niya sa dalaga at muling buksan ang puso sa tunay na nararamdaman.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Habang inaayos nina Tenten at Serena ang kanilang ugnayan, isang katotohanan naman ang bubungad kay Luciana (Cherie Gil) na babago sa takbo ng buhay ng lahat. Ano kaya ito?

Sunud-sunod pang mga pasabog ang mapapanood sa Dolce Amore mula sa pag-urong ni Serana sa kasal nila ni Tenten, pagkamatay ni Gian carlo (Matteo Guidicelli), hanggang sa pagbabagong-buhay at anyo ni Tenten dahilan na kinapitan ng mga manonood. Bukod sa pamamayagpag nito kontra sa katapat na programa ay patuloy din itong lumalakas nationwide.

Mula July 18 hanggang July 21 ay nagtala ang programa ng national TV ratings na 35.9% (July 18), 35.7% (July 19), 35.9% (July 20) at 36.2% (July 21) base sa datos ng Kantar Media. Lagi rin itong trending sa social media.

Kaya bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta ng mga manonood, magaganap sa August 20 ang “#ChooseLove The Concert” sa Kia Theater bilang isang gabing handog ng cast ng Dolce Amore na punumpuno ng kilig at mga awiting taong-bayan mismo ang pumili.

Panoorin ang number one kilig serye Lunes hanggang Biyernes, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para naman sa updates, sundan ang @realdolceamore sa Twitter at Instagram.