Pipiliin ngayong hapon ang mga ring girls na gaganap sa World Series of Fighting – Global Championship (WSOF-GC) sa Hulyo 30, sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang awarding sa ganap na 4:00 ng hapon sa ikalawang palapag ng Gateway Mall sa Araneta Center.

Kabilang si Philippine Azkals at Global FC football superstar Misagh Bahadoran, sa celebrity judge, gayundin si World Series of Fighting Global owner Dunesa Hesser at blogger Jared Baliguat.

Sa Sabado, sa 4:00 ng hapon, gaganapin naman ang autograph signing ng limang pambato ng Pilipinas na sina Jujeath Nagaowa, Jenelyn Olsim, Neil Larano, Jessan dela Peña, at Mario Sismundo.

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

Mabibili na ang tiket para sa kauna-unahang WSOF-GC fight card sa bansa sa takilya ng Smart Araneta Coliseum.

Sa gabi ng laban, nakatakdang magbigay ng P1 milyon premyo sa raffle draw para sa mga tiket owner ang organizer. Para sa karagdagang impormasyon hinggil dito bisitahin ang www.wsofgc.com/raffle.