Isa sa decommissioned na barko na hindi na ginagamit ng United States Coast Guard (USCG) ang tinanggap na kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa turnover ceremony sa Coast Guard Base sa Alameda, California.

Ayon sa USCG, ang pagkakaloob ng cutter ship ay bahagi ng proyektong Excess Defense Articles Program sa pagitan ng US at Pilipinas.

Tatawagin ang barko na BRP Andres Bonifacio (FF-17) at si Captain Brendo Casaclang ang magiging commanding officer nito. Tatagal ng tatlong buwan ang paglalayag nito patungo sa Pilipinas na magsisimula sa Oktubre. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Rita Avila, napatanong: 'Sino at ano ang sasagip sa mga Pilipino?'