OAXACA, Mexico (AFP) – Pinasok ng armadong kalalakihan ang bahay ng isang musikero sa southern Mexico bago ang bukang-liwayway, pinugutan siya at pinatay din ang kanyang asawa at anak na lalaki, ayon sa pulisya.

Pumasok ang armadong grupo sa bahay ng pamilya sa Juchitan, Oaxaca state, dakong 2:30 a.m. at pinatay si Victor Sanchez, 40, ang singer ng tropical band na Sensacion Caribu, ayon sa pahayag ng pulisya.

Binaril din at pinatay ang kanyang asawa at 11-anyos na anak na lalaki.

Iniimbestigahan ng pulisya kung ang pagpatay ay may kinalaman sa away ng magkakaribal na criminal gangs.

Internasyonal

Legarda, unawa pamboboykot sa 2025 FBF: 'But walking away is not the only form of resistance'