Mga laro sa Lunes

(Ynares Sports Arena)

4 n.h. -- Blustar vs AMA

6 n.g. -- Tanduay vs Cafe France

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naisalba ni Carl Bryan Cruz ang defending champion Café France sa mahigpitang laro sa overtime tungo sa 96-93 panalo kontra Phoenix nitong Huwebes, sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang dating Far Eastern University forward ay nagsalansan ng 15 puntos, tampok ang siyam sa extra period para sandigan ang Bakers sa pangunguna sa standings tangan ang 7-1 karta.

Bagsak naman ang Phoenix sa sosyong ikalawang puwesto kasama ang Racal na may 7-2 marka.

“Ang importante, lumalapit kami sa top two pagdating ng Final Four,” pahayag ni coach Egay Macaraya. “Masyadong short yung liga so hopefully, makuha namin sa dulo.”

Isang baseline drive ni Cruz ang nagbigay sa Cafe France ng 92-85 na kalamangan, may 1:06 ang natitira sa laban, ngunit hindi agad sumuko sina Mike Tolomia at Roger Pogoy na kapwa bumitaw ng tres upang idikit ang Accelerators, 93-94, may 8.5 segundo sa laro.

Sinelyuhan ni Paul Zamar ang panalo ng Bakers sa pares ng free throw, may 5.1 segundo ang nalalabi. Nagmintis ang pagtatangka ni Tolomia na mahila ang laro sa double overtime.

Nanguna si Congolese center Rod Ebondo sa Café Fance sa naiskor na 15 puntos at 16 na rebound, bukod sa apat na block, habang nagdagdag si Zamar ng 15 puntos sa larong nagsilbing rematch ng kanilang duwelo sa Foundation Cup Finals.

Nagtapos na topscorer ng Accelerators si Pogoy sa nakubrang 26 na puntos.

Naglaro ang Phoenix na wala ang key player na si Mac Belo na may iniindang sprained ankle.

Nauna rito, nakopo ng AMA Online Education ang ikalawang panalo matapos padapain ang Topstar ZC Mindanao, 109-84.

Nanguna si Rashawn McCarthy para sa AMA sa naiskor na 24 puntos, walong rebound at anim na assist.

“Sana kung magtuloy-tuloy yung magandang laro namin, magkakaroon pa kami ng chance na makahabol. Pwede pa naman kung kakayahin,” ayon kay AMA coach Mark Herrera.