Tawagin na lang siyang President Rodrigo Roa Duterte.

Kahapon, ipinag-utos ng Pangulo sa kanyang Gabinete at mga ahensya ng pamahalaan na ihinto na ang paggamit sa “His Excellency” sa mga opisyal na komunikasyon sa kanya.

Hindi na rin ipinagagamit ang ‘Honorable’ sa liham para sa mga miyembro ng Gabinete.

Ang panuntunan ay nakapaloob sa memorandum na inisyu ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong July 16.

National

Amihan, easterlies, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH

“As a matter of policy, the President has instructed the following: That the President shall be addressed in all official communications, events or materials as ‘PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE” only, and without the term ‘His Excellency,’” nakasaad sa memo.

Sa mga kalihim, burado na rin ang salitang ‘Honorable’ kung isusumite ang komunikasyon sa Malacañang.

Gayunpaman, pwede pa ring gamitin ang ‘Honorable’ sa kani-kanilang tanggapan. (Genalyn Kabiling)