BEIJING (Reuters) – Kinontra ng isang mataas na Chinese official ang mga panawagan noong Martes na iboykot ang Pilipinas matapos paboran ng isang international arbitration court ang Manila sa iringan nito sa Beijing kaugnay sa South China Sea.

Galit na ibinasura ng China ang hatol noong nakaraang linggo ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, sa kasong inilarawan nitong illegal at katawa-tawa. Paulit-ulit itong nagpahayag na hindi magbabago ang pakikitungo o ang sovereignty claims nito sa South China Sea.

Nag-react ang ilang Chinese sa pamamagitan ng panawagan na iboykot ang mga produkto mula sa Pilipinas at United States, na sinisisi ng marami sa China na nagtulak ng kaso. Sa ngayon, mangilan-ngilan lamang ang tumugon sa mga panawagan.

Sa tanong kung magsasagawa ang China ng retaliatory trade measures laban sa Pilipinas dahil sa desisyon, sinabi ni China vice minister of commerce Gao Yan sa mamamahayag na maayos na umuusad ang trade relations sa Manila.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

“In recent years, the development of China’s trade relations with the Philippines overall has been smooth and stable.

China is willing to develop mutually beneficial and diverse trade relations with the Philippines,” aniya.

“I should say that though some internet users have called for boycotts on products from the Philippines, in actuality this situation has not occurred.”

Ang total two-way trade sa pagitan ng China at Pilipinas ay umakyat sa 5.7 porsiyento sa unang anim na buwan ng taon sa $22.3 billion, ayon sa mga numero ng Chinese customs.

Nanawagan ang state media sa mga tao na labanan ang “irrational patriotism”.

“Other net users have leveled false accusations against public figures and have started to mislead people into blindly boycotting foreign products and brands such as Philippine bananas, iPhones and KFC,” sinabi ng maimpluwensiyang tabloid na Global Times noong Martes.

Noong Lunes, sinabi ng pulisya sa Siyang sa silangang probinsiya ng Jiangsu sa kanilang microblog na batid nito ang mga panawagan ng protesta ngunit isinuhestyon na magiging pagsasayang lamang ito ng oras.

“Love your country, but please don’t take out your anger on its territory,” sinabi ng Siyang police.