ROME (Reuters) – Natagpuan ang mga bangkay ng 21 babae at isang lalaki sa isang bangkang goma na nakalutang sa malapit sa baybayin ng Libya noong Miyerkules, ilang oras matapos silang maglayag mula Italy, sinabi ng humanitarian group na Medecins Sans Frontieres (MSF).
Sumaklolo ang isang barko ng MSF na nagpapatrulya sa central Mediterranean sa dalawang bangka na naglalayag nang halos magkadikit at nasagip ang 209 katao, kabilang na ang 50 bata. Gayunman, 22 migrante ang natagpuang patay sa ilalim ng bangka, na nakahiga sa sanaw ng panggatong.
Karamihan sa mga nakaligtas ay mula sa West African states gaya ng Nigeria at Guinea. Dinala sila sa Sicily kasama ng mga namatay.