ABU DHABI (AFP) – Inobliga ng United Arab Emirates ang mga employer na magkaloob ng free accommodation sa mga manggagawa na binabayaran ng $540 o mas mababa pa bawat buwan, sa huling hakbang ng Gulf para matugunan ang diumano’y pang-aabuso sa migrant labour.

Ngunit ang desisyon, na magkakabisa sa Disyembre, ay tumutukoy lamang sa mga kumpanya na mayroong mahigit 50 manggagawa, sinabi ng human resources at Emiratisation ministry noong Lunes.

Magsasagawa ang ministry ng regular inspections sa pabahay na ibinigay ng mga kumpanya upang matiyak na naaabot ang health and safety standards.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral