July 19, 2026

Home BALITA Metro

Security escort ni Mayor Isko, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

Security escort ni Mayor Isko, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem
Photo courtesy: Unsplash


Patay ang security escort ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos barilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Tondo, Maynila bandang 12:00 ng madaling araw nitong Linggo, Marso 15.

Kinilala ang biktima na si George Capistrano, 56-anyos na retiradong police officer.

Ayon sa imbestigasyong ikinasa ng mga awtoridad, binaril ang biktima mismo sa harap ng bahay nito bandang 12:00 ng madaling araw.

Lulan umano ng isang motorsiklo ang mga suspek na bumaril kay Capistrano.

Dali-daling dinala ang biktima sa Tondo Medical Center, ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Metro

Traffic enforcer na nag-counterflow sa EDSA bus lane, suspendido lisensya!

Sa kasalukuyan, patuloy pa ang pagtugis sa mga suspek na pumatay sa naturang security escort. Inaalam pa ang motibo sa nasabing pagpatay.