April 16, 2026

Home BALITA

18 ex-Marines, naghatid ng maleta sa kasagsagan ng 2025 elections

18 ex-Marines, naghatid ng maleta sa kasagsagan ng 2025 elections
Photo Courtesy: Screenshot from SMNI Integrated News (FB), Mark Belmores/MB

Inamin ng isa sa mga ex-Marines ang indirektang pagdadala umano nila ng maleta kay Commission on Elections (Comelec) chair George Garcia noong 2025 midterm elections.

Sa programang “Banateros” noong Sabado, Marso 14, sinabi ng isang ex-Marine na hinatid umano nila ang pera bago at matapos ang halalan.

“Hindi naman namin dineliver talaga sa kaniya. Nakipag-meeting lang siya kay Boss sa hotel. Dalawang beses kasi siyang nag-meeting. [...] Bago mag-eleksyon saka ‘yong after ng eleksyon. Apat na maleta po. Tigdadalawa po.”

Ayon sa kaniya, tinatayang nasa ₱35 milyon hanggang ₱40 milyon ang laman ng kada maletang dinala nila kay Garcia.

Matatandaang unang humarap sa publiko ang 18 ex-Marines noong Pebrero 24 sa ginanap na press conference sa Club Filipino sa Greenhills.

Kauna-unahang abogadong Mangyan, pumanaw na!

Kinumpirma nila ang naunang pahayag ni retired Marine TSgt. Orly Guteza tungkol sa umano’y male-maletang pera na dinadala sa bahay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Guteza ang dating Senate witness na nagsiwalat tungkol sa umano’y “maleta scheme.” 

Ipinrisinta siya ni Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 2025.

Maki-Balita: Security personnel ni Co, pinatotohanan testimonya ni Guteza; naghahatid umano ng male-maletang pera sa bahay ni PBBM

Sa kasalukuyan, may nakalabas na subpoena mula sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 18 ex-Marines.

Ito ay alinsunod sa atas ng Office of the Ombudsman (OMB) sa NBI na imbestigahan ang isiniwalat ng mga marino sa joint affidavit.

Maki-Balita: NBI, naglabas ng subpoena laban sa 18 ex-marines!