Hindi sukat akalain ng ka-live in partner ng isang 31-anyos na lalaki na ang pagpapahangin ang magiging mitsa ng buhay ng huli matapos pagbabarilin sa harapan mismo ng kanilang bahay sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Michael Vincoy ng 227 Old Sandico St., Tondo, Manila dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ulo at leeg.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Reynaldo Ferrer ng Manila Police District (MPD)-Station 2, nangyari ang pamamaril dakong 11:45 ng gabi.

Sa salaysay sa pulisya ng ka-live in partner ng biktima, ayaw magpabanggit ng pangalan, nabatid na nagpapahangin at nagpapahinga si Vincoy sa harapan ng kanilang bahay nang bigla na lamang sumulpot at pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na mabilis na nagsitakas.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit patay na ito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang tukuyin ang nasa likod ng krimen at kung ano ang motibo ng mga ito. (Mary Ann Santiago)