Bugbog-sarado ang isang lalaki nang isugod sa pagamutan matapos masunog ang kanyang bahay, gayundin ng 44 na iba pa, dahil sa napabayaan niyang kandila sa General Santos City, South Cotabato.

Inoobserbahan pa sa ospital si Romeo Jalandoni, may-ari ng bahay na nasunog na ikinatupok ng 44 na iba pang bahay sa Park 1 Pearly Shell sa Barangay Bula sa GenSan.

Apatnapung pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog, at aabot sa P1.5 milyon ang kabuuang halaga ng natupok.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP)-General Santos City, nagsimula ang sunog dakong 9:00 ng gabi nitong Linggo sa bahay ni Jalandoni makaraang mapabayaan ang isang nakasinding kandila.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nasunog din maging ang mga alagang hayop ng mga residente, na pansamantalang tumutuloy sa gymnasium ng barangay.

(Fer Taboy)