JAKARTA, Indonesia (AP) – Sinabi ng Indonesian police na napatay nila ang dalawang militante sa isang gubat sa Sulawesi at magsasagawa ng forensic tests upang matukoy kung ang isa sa mga lalaki ay ang most wanted Islamic radical ng bansa.

Sinabi ni National Police spokesman Maj. Gen. Boy Rafli Amar na isa sa mga bangkay ay may goatee at facial mole at iba pang pagkakahawig kay Santoso, ang lider ng militanteng grupong East Indonesia Mujahideen na nakipag-alyansa sa Islamic State group.

“We don’t want to speculate. We need to scientifically prove that it was Santoso who was shot dead,’’ sabi ni Amar.

Nangyari ang engkuwentro noong Lunes ng gabi at tatlo pang militante kabilang ang dalawang babae ang nakatakas sa gubat.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral