Marian Maine Alden Boobay YAM copy

KINILIG si Marian Rivera nang i-guest niya sina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanyang Yan Ang Morning kahapon.

‘Biyaheserye’ ang title ng episode na sakay sila nina Alden at Maine kasama si Boobay sa isang air-conditioned long jeep. Sa first part ng episode, nagpakita sila ni Boobay ng road signs na sinasagot nina Alden at Maine.

‘Slow Down’ -- for one year nanatiling matatag ang love team, paano ito mag-i-slow down?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Siguro po kapag may isang mag-give up sa amin o nawala na ang love,” sagot ni Alden. “Pero hindi po mangyayari iyon sa amin ni Maine.”

‘U Turn’ -- ano ang gusto ninyong balikan sa loob ng isang taong nagdaan?

“Iyon pong bago ang ‘Tamang Panahon’,” sagot ni Maine. “Lagi kaming excited ni Alden at alam naming lahat ng mga tao ay excited ding makita ang pagkikita at first time naming mag-uusap ni Alden. Iyon din po ang simula ng pagbabago ng lahat sa amin.”

‘Hump ahead’ – “Tanungang pag-ibig. Naghihintay na lamang ng tamang panahon.”

Kinikilig na pinansin ni Marian ang tinginan nina Alden at Maine., at tinanong ang dalawa kung, “bakit ganyan ang tinginan ninyo, ang lagkit?”

Bakit sa kabila ng matagal na isang taon, sabik na sabik pa rin ang mga fans sa kanila? Ano ang sekreto at hindi sila iniiwanan ng supporters nila?

“Siguro po dahil natural lamang kami, hindi pilit, like iyong ‘pag maraming tao, maging sweet kami sa isa’t isa. Kami po kung ano ang napi-feel namin sa oras na iyon, iyon ang ginagawa namin.”

Sa sobrang kilig ni Marian sa dalawa, isiniksik pa niya sa upuan sina Maine at Alden, kaya nasiksik din sila sa sulok ng jeep.

Nagulat ang fans na isinakay nila sa jeep nang makitang nandoon sina Alden at Maine. 

Nakipaglaro rin ang dalawa sa mga estudyante ng Quezon City High School na kanilang binisita. 

Back sa jeepney, ang isa pang tanong ni Marian, ano ang naramdaman nila nang sabihing gagawa sila ng movie na sa Italy pa ang location?

“Gulat po kami, inisip naming sana matuloy, pero hindi kami nag-expect na matutupad iyon.”

Nagkaroon ba sila ng chance na makapag-date habang nasa Como, Italy?

“Wala po namang talagang date. Iyon lang, kapag kaming dalawa lang ang magkasama, maglakad-lakad, mag-jogging, mag-stargazing.”

Isa pang tanong ni Marian: “Nagulat ba kayo sa ending ng movie na siyempre, hindi ko sasabihin para manood ang mga nanonood sa atin ngayon?”

“Nagulat po kami, hindi namin alam na ganoon ang ipagagawa ni Direk Mike. Pero ginawa po lamang namin kung ano iyong natural na dapat gawin.”

Kinilig na naman si Marian at napatawa sina Alden at Maine nang sabihin niyang iba kasi iyong sa kanila ni Dingdong (Dantes). Pinagsalita ni Marian ng message sina Maine at Alden para sa isa’t isa.

Alden: “Thank you, Maine hindi ka napapagod makinig sa akin, sana hindi ka magbago at dito lamang ako para sa iyo.”

Maine: “Salamat, Alden na pinapasok mo ako sa lahat ng sulok ng buhay mo na walang ibang nakapasok. Sana hindi ka rin magbago.”

Nagpasalamat sina Alden at Maine sa balitang umabot na last Monday ng 270 cinemas ang pinaglalabasan ng Imagine You & Me at simula sa July 22, ang international screening sa iba’t ibang lugar ng mundo.

Kaya naman si Alden, walang sawa sa paglilibot sa mga sinehan lalo na sa block screenings, para magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanila. 

Personal din kaming nagpapasalamat sa mga nag-imbita sa amin para manood ng block screening tulad ng Alden Knights chapters, ang Maine Admirers Official na nagmistulang fiesta ang Robinson’s Galleria dahil apat na block screenings ang sabay-sabay na ginawa last Sunday, at nakasabay pa namin si Alden. 

Dahil may sakit si Maine, ang Kuya Nico niya ang nag-represent sa kanya. Our congratulations! (NORA CLADERON)