ISULAN, Sultan Kudarat – Umaabot sa 300 pamilya ang lumikas mula sa mga bayan ng Datu Unsay at Shariff Aguak sa Maguindanao upang makaiwas na maipit sa patuloy na opensiba ng militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon sa report sa Office of Civil Defense (OCD), nasa 296 na pamilya o 1,480 indibiduwal ang lumikas dahil sa pagpapatuloy ng labanan.

Kasabay nito, tiniyak ni Datu Unsay Mayor Bai Reshall Ampatuan na nagpaabot na ng kaukulang tulong ang lokal na pamahalaan para sa nagsilikas na residente.

Inaasahan ng alkalde na madadagdagan pa ang evacuees habang nagpapatuloy ang sagupaan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa Philippine Army, umabot na sa 33 miyembro ng grupo ang nasawi sa sagupaan.

Sinabi ni Col. Cirilito Sobejana, commander ng 601st Brigade, na 10 tauhan pa ng BIFF ang nasugatan sa labanan.

Pitong sundalo naman ang nasugatan sa mga pag-atake, na ang huli ay nang pasabugan ng improvised explosive device (IED) ang grupo ng militar sa Barangay Kuloy sa Shariff Aguak nitong Hulyo 16, ayon kay Capt. Joan Petinglay, tagapagsalita ng 6th Infantry Division.

Ayon kay Sobejana, tumakas ang BIFF patungo sa komunidad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), at idinagdag na ilang mandirigma mula sa MILF ang nagkupkop sa mga tauhan ng BIFF na kamag-anak ng mga ito.

“As far as the leadership of the MILF is concerned they don’t want to accommodate the BIFF but blood is thicker than water. Some of the MILF members are related to the BIFF... father, brother, etc.,” ayon kay Sobejana.