HONG KONG – Humakot ng siyam na medalya at iba pang parangal ang mga estudyanteng Pinoy, kabilang ang isang nakakuha ng perfect score sa 19th Po Leung Kuk Primary Mathematics World Contest (PMWC) na ginanap sa Hong Kong nitong Hulyo 12-16.

Pinangunahan ni Raphael Dylan Dalida, 12, ng St. Mary’s Academy-Pasay ang Philippine team nang makakuha siya ng perfect score sa individual competition at manalo ng gintong medalya para sa bansa.

Silver medal naman ang iniuwi ni Filbert Ephraim Wu, ng MGC New Life Christian Academy sa Taguig City.

Bronze medallists sina Evgeny Cruz, ng Palanan Elementary School sa Makati; Enzo Raphael Chan, ng Bayanihan Institute sa Tarlac; Chiara Bernadette Tan-Gatue, ng St. Jude Catholic School sa Maynila; Kristen Steffi The, ng Grace Christian College sa Quezon City; at Cassidy Kyler Tan, ng Davao Christian High School sa Davao City.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Sa team contest, ang Philippine Team B ay binubuo nina Dalida, Tan, Wu, at Sean Matthew Tan (Jubilee Christian Academy), na second runner-up; habang ang Philippine Team A nina Cruz, Matthew Charles Carpio (Agoo Kiddie Special School), Noel Stephen Dequito (Xavier School-Nuvali), at Ethan Cedric Jao (St. Jude Catholic School), ay ginawaran ng merit award. Ang isa pang Pinoy na kalahok ay si Erin Christen Noceda, ng Special Education Center for the Gifted. - Jonathan M. Hicap