Upang mas maging kumbinyente ang mga pasyente ng Quezon City General Hospital (QCGH), nataktakdang dagdagan ang bed capacity ng nasabing ospital.

Ito ay matapos aprubahan ng Quezon City council ang Resolution No. SP-6763 na iniakda ni 3rd District Councilor Eufemio C. Lagumbay na naglalayong dagdagan ang city-owned hospital’s bed capacity bilang pagtupad sa accreditation requirements na itinakda ng Department of Health (DoH) sa mga Level III tertiary training hospital gaya ng QCGH.

Isa sa requirements ang mataas na hospital’s bed capacity na mula 250 ay gagawing 300.

“In order to fulfill the primary responsibility of the city government to provide accessible health care to city residents, QCGH must be allowed to expand and serve a bigger number of patients.” pahayag ni Lagumbay.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sa loob ng 48 taon, ang QCGH ay patuloy sa pagkakaloob ng pinahusay na health care center sa Quezon City sa pamamagitan ng medical services sa mga low-income resident ng lungsod magmula nang ipatayo ang ospital noong 1968.

(Jun Fabon)