NICE, France (AFP) – Isang walong buwang sanggol na nawala matapos araruhin ng isang truck ang mga tao sa French Riviera city ng Nice na ikinamatay ng 84 na katao ang naibalik sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng Facebook.
Nagpaskil si Tiava Banner – sinabing hindi siya ina ng sanggol -- ng apela sa Facebook noong Biyernes na humihingi ng anumang impormasyon sa kinaroroonan ng sanggol na nawala sakay ng kanyang blue stroller nang sagasaan ng truck ang daan-daang nagtatakbuhang nanononood ng Bastille Day fireworks.
Ang post ay umani ng ilang libong share hanggang sa ito ay ma-update: ‘’Found! Thank you Facebook and all those who helped us.’’
Isang miyembro ng pamilya na nakausap ng AFP ang nagsabing: ‘’A young woman found him and took him home with her.
She then went online and found the photo of the baby on Facebook.’’
Kasunod nito ay kinontak ng babae ang mga magulang ng sanggol.
Marami pang tao ang umapela sa pamamagitan ng social media para makita ang kanilang mga mahal sa buhay.