Nagpakatatag ang Mapua para maisalba ang pagkawala ni Allwell Oraeme tungo sa 70-67 panalo kontra Emilio Aguinaldo College at manatiling malinis ang karta sa NCAA Season 92 basketball championship nitong Biyernes, sa The Arena sa San Juan.
Nanguna si Almel Orquina sa naiskor na 13 puntos, habang kumana sina Andrew Estrella at CJ Isit ng tig-12 puntos para sa ikaapat na sunod na panalo ng Cardinals at makisosyo sa San Beda Red Lions sa liderato tangan ang 4-0 karta.
Hindi nakalaro si Oraeme, scoring leader ng Mapua, matapos ma-sprained sa kanilang ensayo.
“It’s a good experience for the team especially this early in the season,” sambit ni Isit. “At the end of the day, it all boiled down to heart. I guess our guys showed grit and I’m happy for them.”
Nanguna sina Laminou at Sidney Onwubere sa EAC (1-3) na may tig-13 puntos.
Samantala, nasungkit ng Lyceum of the Philippines ang unang panalo sa apat na laro nang maungusan ang Jose Rizal University, 69-66.
Nagbaba ng pinagsamang 20 sa 24 na puntos sa final period sina Mike Nzeusseu at Adrian Alban para gabayan ang Pirates at ibigay kay coach Topex Robinson ang unang panalo.
Hataw si Nzeusseu sa naiskor na 24 na puntos at 21 rebound, habang tumipa si Alban ng 19 na puntos.
Iskor:
(Unang laro)
LPU 69 - Nzeusseu 24, Alban 19, Marata 8, Alanes 4, Ayaay 4, Malabanan 4, Serafico 4, Caduyac 2, Baltazar 0, Soliman 0, Magbuhos 0.
JRU 66 - Grospe 16, Teodoro 14, Poutouochi 10, Lasquety 10, Dela Paz 6, Abdulrazak 5, Pontejos 3, Salaveria 2, Astilla 0, Dela Virgen 0, Evardo 0.
Quarterscores: 9-16, 27-29, 45-47, 69-66
(Ikalawang laro)
Mapua 70 - Orquina 13, Estrella 12, Isit 12, Eriobu 9, Biteng 6, Bunag 6, Victoria 6, Menina 4, Serrano 2, Magboo 0, Raflores 0.
EAC 67 - Laminou 13, Onwubere 13, Morada 12, Munsayac 11, Diego 8, King 7, Pascua 2, General 1, Corilla 0, Estacio 0, Guzman 0, Serrano 0.
Quarterscores: 19-10; 36-37; 56-53; 70-67.