Malapit na rin matapos ang araw ng mga pulitikong balimbing sa bansa sakaling ganap nang maisabatas ang isang panukalang naglalayong ipagbawal ang palipat-lipat ng partido.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, ginagamit ng mga pulitiko ang mga partido-pulitika para na rin sa kanilang kapakanan kaya’t dapat na itong mawakasan.

“Political parties in our country are normally used as political vehicles to win an election. Political party system is centered on personalities rather than ideology and political platform. Political turncoatism should never be encouraged nor tolerated,” sambit ni Drilon.

Sa ilalim ng panukala, mananagot ang mga balimbing na pulitiko dahil hindi na sila maaaring tumakbo sa mga susunod na halalan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ni Drilon na kailangang palakasin ang politcal system ng bansa para maiwasan ang palipat-lipat ng partido at matamasa ang malakas na sistemang demokrasya.

Nais umano ni Drilon na magkaroon ng partido na may disiplina, maayos na plataporma, ideolohiya at programa, at hindi ang kasalukuyan na ang interes ng mga pulitiko ang nananaig.

“Most political aspirants change political parties for convenience, rather than because of conviction. This only shows the lack of ideological commitment of the members of party because they choose parties based on the rise and fall of the tide of opportunity,” ayon pa kay Drilon. (Leonel Abasola)