Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang natukoy na probable cause laban kay dating Talugtog, Nueva Ecija Mayor Quintino Caspillo, Jr., kaugnay ng pamamalsipika ng mga pampublikong dokumento.

Nahaharap sa kasong falsification of public documents si Caspillo matapos sertipikahan na wala siyang kaugnayan sa municipal planning and development officer na kanyang itinalaga sa puwesto noong 1997.

Ibinasura rin ng Ombudsman ang motion for reconsideration na inihain ng alkalde dahil sa kawalan ng merito.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Natuklasan na itinalaga ni Caspillo ang pamangking si Elmer Caspillo bilang municipal planning and development officer.

Para mabigyang-daan ang nasabing appointment, nagpalabas ng certification si Caspillo na nagsasabing hindi nito kaanak si Elmer. (Light A. Nolasco)