Iniwan ni Luisa Raterta, tinaguriang Philippine Marathon Queen, ang mga karibal sa kalagitnaan ng karera tungo sa impresibong panalo sa 21-km premier event ng Manila Bay Clean-Up Run kamakailan sa PICC ground sa Pasay City.

Nadomina naman ng Kenyan ang men’s division sa naitalang top 3 finish sa karera na handog ng Manila Broadcasting Company, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Manila at Pasay, Enervon, Petron, M.Lhuillier, Silka Papaya, Tapa King, Shakey’s, 555 Tuna, Kenny Rogers, Maynilad Water at Lizalis. Winalis nina Eric Kibiwott Chepsiror, Jackson Chirchir at Abraham Klimo ang karera laban sa elite lokal runner.

Ginapi ni Raterta ang kapwa beterano na sina Johann Banayag at Cinderella Lorenzo.

Sa 10 km race, nanalo sina Richard Salano, Reynaldo Villafranca at Gilbert Laido kasama ang mga babaeng sina Lani Cardona, Marcose Dischoso at Michelle Gilbuena.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nangibabaw naman sina Mervin Duarte, Christopher Ulboc, Immanuel Laido sa kalalakihan at Joneza Sustituedo, Catherine Bristol at Celia Rose Jaro sa kababaihan sa 5km event.