Nagtamo ng hindi inaasahang first round TKO si Pinoy fighter Joebert “Little Pacman” Alvarez sa kamay ni Miguel ‘No Fear’ Cartagena ng US nitong Biyernes ng gabi sa Kissimmee Civic Center sa Florida.

Ayon sa ulat ng Fightnews.com, halatang wala sa kondisyon si Alvarez kaya kaagad siyang inatake ni Cartagena.

“Flyweight Miguel Cartagena (15-3, 6 KOs) scored a first round technical knockout over Jobert Alvarez (15-2, 7 KOs),” ayon sa ulat. “Cartagena knocked down Alvarez in round one. When Alvarez got back up Cartagena instantly jumped on him landing punch and punch, causing the referee to wave it off. Time was 1:07.”

Sa masaklap na pagkatalo, tiyak na mawawala si Alvarez sa world ranking kung saan nakalista siyang No. 7 kay WBO flyweight champion Juan Francisco Estrada at No. 10 kay IBF flyweight titlist Johnriel Casimiro na isa ring Pilipino.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Samantala, natalo rin si Pinoy boxer Jovill Marayan matapos siyang patulugin sa 4th round ng walang talong si Pan Asia Boxing Association (PABA) featherweight champion Thong Sithluangphophun sa Sisaket, Thailand. (Gilbert Espeña)