Binigo ng dumayong Guam ang host na Pilipinas, 8-1, upang masungkit ang natitirang tiket sa kampeonato ng 2016 Asia Pacific Senior League Baseball Tournament na ginaganap sa Clark International Sports Complex sa The Villages sa Clark, Pampanga.

Naghulog ang Guam batter ng pitong run sa huling dalawang innings upang sementuhan ang pundasyon sa kanilang ikatlong panalo sa apat na laro pati na sa pagkuha sa karapatan na hamunin ang naghihintay na lamang na Australia (4-0) sa gaganapin ngayon na kampeonato.

Ang Pilipinas, kinatawan ng ILLAM, ay nagtapos na may 1-3 karta sa likuran ng defending champion Commonwealth of Northern Mariana Islands, na tumapos na may 2-2 karta nang mabigo sa Indonesia, 23-1.

Pilit na tatapusin ng ILLAM ang torneo na suportado ng Mister Donut at Philippine Sports Commission sa maganda na kampanya sa pagsagupa nito sa CNMI para sa ikatlong puwesto.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We’ll do our best to win this last match,” sabi ni ILLAM coach Egay de los Reyes.

Nakipagsabayan ang ILLAM kontra Guam sa table na 1-1 iskor matapos ang limang inning bago na lamang umatake ang Guamanians sa natitirang inning upang agawin ang panalo. .

Itinulak ni Cole Cabrera ang Guam sa abante sa run-scoring sacrifice bunt bago sinundan ni Calvin Aguon ng isang RBI double sa ikaanim. Nagtala pa ang Guamanians ng limang run explosion sa seventh tampok ang two-run double ni Aguon upang iwanan ang host at dumiretso sa finals kontra Aussies.

Samantala’y tinalo ng Japan ang nagtatanggol na kampeong Korea, 6-2, sa no-bearing elims duel na nagsilbing pahimagas sa kanilang salpukan ngayon para sa Intermediate League title.

Nagwagi naman ang Hong Kong kontra sa representante ng Pilipinas na Sarangani, 6-3, sa katulad na ranking game bago ang kanilang paghaharap para sa tansong medalya. (Angie Oredo)